SINGLES, Just have fun!
Sa panahon ngayon, marami ang nagrereklamo kung bakit single pa sila. Being single is not bad naman. Actually, maraming singles pero masaya naman.
Alam mo kung bakit ka single? Kasi may plano si God sayo na maganda. Maybe, iniisip niya na hindi pa muna makakabuti ang lovelife sayo. Sad ka kasi wala kang lovelife? Sinasabi ko, wala rin akong lovelife.
Minsan dadating ka talaga sa punto ng buhay mo na maiinggit ka sa mga best friends mong may lovelife, sa mga pa sweet na couples sa malls at restaurants o di kaya mabibitter ka sa mga teleserye na napapanood mo. Ganon naman talaga eh. Naghahanap ka kasi ng companion. Yung makakasama mo sa kalokohan at sa kakulitan.
Ang masasabi ko lang sa mga taong atat magka lovelife, wala namang masama na nainip ka kakahintay pero sana lagi mong tandaan na lahat ng bagay na minamadali ay bumababa ang quality. You don't want a mediocre love, right? Lahat tayo gusto ng pang matagalan. Yung hindi masisira o mabubuwag.
Ang magagawa mo lang ngayong single ka is have fun and enjoy everything. Pag committed ka na kasi, may mga bagay na hindi mo nalang basta magagawa. Kailangan magpaalam ka sa partner mo. Kailangan alam niya bawat kilos mo o bawat lakad mo.
Nagyong malaya ka, enjoyin mo muna. Huwag mong isipin na walang nagmamahal sayo. Nandyan ang family and friends mo. Andyan ang sarili mo. The best love of all is self love. Pag mahal mo ang sarili no, walang kahit sinong makakatibag sayo. You'll be strong to face anything. Pag mahal mo ang sarili mo, kahit sinong tao pa hindi ka masasaktan.
(Credits to the owner of the quote)





